Ang mga manggagawa ay may magandang balita! Simula April 30 hanggang May 3, pwede nang mag-MRT at LRT ng libre bilang pagdiriwang ng Labor Day. Pwedeng magbiyahe ng libre ang mga manggagawa sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3.
Ito ay ayon sa anunsyo ni President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. noong April 29. Sa isang video message, sinabi ni Marcos, "Inutos ko na para magbigay ng ating kaunting parangal para sa ating manggagawa."
"Sa Labor Day celebration ay maging libre ang sakay sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2," dagdag pa ni Marcos. "Ito ay bilang kaunting pagkilala sa sakripisyo at kontribusyon ng ating mga manggagawa hindi lamang sa ating ekonomiya kundi sa ating lipunan."
Sa unang araw ng free rides, makikita ang maraming commuters na nakapila at sumasakay sa mga tren. Lahat ay nagpapakita ng pasasalamat sa mga manggagawa sa kanilang walang sawang trabaho.