
Handa na ang Lubao International Balloon and Music Festival 2026 para sa isang kahanga-hangang karanasan sa musika at kasiyahan! Gaganapin ito sa Prader Verde, Lubao, Pampanga sa darating na Marso 7 at 8, 2026. Bukod sa mga live performances mula sa ilan sa mga paboritong OPM acts, tampok din sa festival ang hot air balloon flights, helicopter at ultralight rides, food bazaars, at outdoor zoo.
Sa unang araw ng festival, magtatanghal ang IV Of Spades, Kamikazee, Bamboo, Flow G, Hev Abi, Illest Morena, at Jikamarie. Samantala, sa ikalawang araw, magpapasiklaban naman sina Parokya Ni Edgar, Rico Blanco, Maki, December Avenue, Arthur Nery, at Dionela sa entablado. Tunay na selebrasyon ito ng musika at talento ng bansa.
Bukod sa musika, maari ring maranasan ng mga bisita ang Pradera Islands theme park kung saan naghihintay ang adrenaline-pumping rides, immersive attractions, at island-inspired adventures. Isang perpektong kombinasyon ng kasiyahan para sa pamilya at barkada ang hatid ng festival na ito.
Ang mga ticket para sa festival ay may presyong PHP 500 (General Admission) at PHP 1,500 (VIP) para sa 1-day pass, habang ang 2-day passes ay PHP 800 (General Admission) at PHP 2,500 (VIP). Siguraduhing makakuha ng ticket upang hindi mapag-iwanan sa pinakamakulay at pinaka-exciting na festival ng taon.
Huwag palampasin ang pagkakataong makasaksi ng OPM stars, makukulay na hot air balloons, at iba't ibang atraksyon sa Lubao ngayong 2026. Isang kakaibang karanasan na tiyak na hindi malilimutan!




