
Ngayong darating ang Year of the Horse, marami ang naghahanap ng masarap at maswerteng pagkain para simulan ang taon ng may pag-asa at prosperity. Isa sa mga pinakinaabangan ay ang Salted Egg Lobster Tail, na kilala sa simbolo ng yaman at bagong simula. Para sa mga mas meat-lover, mayroong salted egg pork ribs, at para sa mas healthy na option, salted egg tofu bites ang perfect choice.
Bukod sa lobster, isa pang highlight ang Two-head Abalone Yee Sang na may Arctic Surf Clam. Ang bawat sangkap nito ay may kahulugan: abalone at clam para sa abundance, julienned white radish para sa bagong opportunities, pickled papaya para sa best returns, at dried orange para sa yaman. Tradisyon ng Yee Sang ang tossing ng pagkain habang binibigkas ang mga maswerteng phrases; mas mataas ang toss, mas malaki ang good fortune.
Para naman sa mga naghahanap ng malaking handa para sa pamilya, Golden Treasure Poon Choi ng Makati Shangri-La ay perfect. Pinagsama-sama dito ang meat, seafood, at vegetables sa isang malaking basin para sa togetherness at prosperity. Isa itong eleganteng paraan upang ipagdiwang ang Chinese New Year habang nagbabahagi ng pagkain sa pamilya at kaibigan.
Hindi rin papalampasin ang mga dessert lovers. Sa Grand Hyatt Manila, may Coconut Pineapple Cake na simbolo ng yaman at malakas na family ties. Binubuo ito ng panocha sable, chamomile cremeux, pineapple compote, coconut mousse, at almond sponge. May mini at full-size options para sa mas convenient na celebration. Huwag ding kalimutan ang Nian Gao o Tikoy, na tradisyonal at maswerteng panghimagas sa CNY.
Ngayong Chinese New Year, gawing espesyal ang celebration sa pamamagitan ng pagpili ng mga pagkain na may simbolo ng good luck, prosperity, at abundance. Sa bawat ulam at dessert, dala nito ang mensahe ng pag-asa at bagong simula para sa buong pamilya.






