
Nagiging mas buhay at masigla ang dining scene ng Newport World Resorts sa pagbubukas ng Brotzeit German Bier Bar and Restaurant sa plaza nito. Bagama’t indoor ang buong espasyo, may al fresco feel ang outdoor seating dahil sa bukas na disenyo ng plaza, habang bumabati naman sa loob ang isang beer bar na may iba’t ibang German beers on tap at mezzanine na maaaring ireserba para sa private events.
Dinadala ng Brotzeit ang tunay na Bavarian flavors sa pamamagitan ng kanilang mga signature dish. Tampok dito ang Schweinshaxe, isang crispy pork knuckle na binraise sa beer at inihaw, na kahawig ng crispy pata ngunit may mas malalim na European character. Kasama rin sa handog ang sausage platters at schnitzel, na sinasabay sa pretzels at sauerkraut para sa kumpletong karanasan.
Ipinasilip rin ang mga paparating na bagong putahe sa pamumuno ng culinary director na si Chef Ivan Maminta. Isa sa mga ito ang rollmops, isang European delicacy na binubuo ng pickled herring sa rye bread, na sasamahan ng roasted potatoes, bacon bits, beetroot salad, at fried egg sa final version nito.







