
MANILA – Nagsagawa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng clearing operation sa ilang kalsada sa Tondo, Manila nitong Enero 14, 2026. Ayon kay Gabriel Go, head ng MMDA Special Operations Group–Strike Force, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng ahensya na panatilihing daan ang mga pangunahing kalsada, partikular sa Mel Lopez Boulevard o Road 10.
“Magki-clear po tayo ngayon, bukas babalik na naman. Pagkatapos ng ilang araw, andiyan na naman,” sabi ni Go. “Meron po tayong instances na na-tow namin ‘yong sasakyan, tapos pagbalik namin, same place, same parking… We have to be enough with being hard headed.”
Kasama sa operasyon ang pagtanggal ng mga street vendors at kahit ang mga dekorasyong pang-feast ng Santo Niño na nakaharang sa kalsada. Isa sa mga vendor ay tumutol nang kuhanin ng MMDA ang kanyang stall. “Wala naman po kaming ibang pupwestuhan. Hanapbuhay yan e. Mas matatakot ho kami kung wala kaming kakainin,” ani niya.
Hindi rin nakaligtas ang mga tricycle at ilang sasakyan. May tricycle na walang plate number at pinapatakbo ng driver na walang lisensya. “Ito lang hanap-buhay, kuhanan nila ako ng hanap-buhay. Ano ang ipakain ko sa lima kong anak? Wala pong budget e,” sabi ng driver. Ilan din sa mga motoristang lumabag sa traffic rules ay pinatawan ng tickets.
Aminado ang MMDA na hindi nila target ang mahihirap sa clearing operation. “Hindi po anti-poor ang pagki-clearing natin. Pag kini-clear namin kayo, dahil kayo po ay may paglabag,” paliwanag ni Go. Kasabay nito, ang Manila Police District ay nakikipagtulungan sa mga barangay upang itaguyod ang disiplina sa Tondo. Sa kabuuan, 65 motorista ang nakatanggap ng tickets at 18 na sasakyan ang na-impound sa Tumana, Marikina.




