
Apple ay opisyal nang nanguna sa global smartphone market, na tinatabunan ang matagal nang lider na Samsung. Noong 2025, nakakuha ang Apple ng 20% share sa buong mundo, na may 10% YoY growth, pinakamataas sa top five brands. Ang malaking pag-angat ng Apple ay bunga ng malakas na demand sa kanilang mga bagong iPhone models, lalo na ang iPhone 17 series sa huling quarter at ang iPhone 16 series sa nakaraang bahagi ng taon.
Sa ikatlong puwesto ay ang Xiaomi, habang ang vivo at OPPO naman ay pumuwesto sa ika-apat at ikalima. Ang kabuuang breakdown ng global market share ay:
Apple: 20% share
Samsung: 19% share
Xiaomi: 13% share
vivo: 9% share
OPPO: 11% share
Ang dominance ng Apple sa merkado ay higit na pinalakas ng kanilang focus sa premium users, at ang upgrade trend noong 2025 ay nag-udyok sa maraming iPhone users na palitan ang lumang models. Maraming consumers ang mas pinili ang Apple dahil sa innovative features, kalidad ng camera, at mas mahabang software support kumpara sa ibang brands.
Samantala, ang Samsung ay nanatiling malakas sa 19% share, na pinatatakbo ng Galaxy A-series para sa masa at ang kanilang premium flagships gaya ng Galaxy S25 at Fold7 series. Ang kanilang strategy ay balanseng pag-target sa masa at premium market, pero hindi sapat para maunahan ang Apple sa kabuuang sales growth.
Bagamat lumago ang global smartphone market ng 2% noong 2025, may babala para sa 2026: tataas ang presyo ng smartphones dahil sa kakulangan sa DRAM at NAND memory. Ang tunay na labanan sa susunod na taon ay hindi na lamang tungkol sa features, kundi kung sino ang makakapag-offer ng quality phones sa reasonable na presyo.




