
WASHINGTON, Estados Unidos – Nakatanggap ng matinding kritisismo si Elon Musk’s AI tool na Grok matapos itong makagawa ng sexualized deepfakes ng kababaihan at menor de edad. Kasama ang European Union sa paghadlang habang nagbabadya ang United Kingdom ng imbestigasyon laban sa kontrobersiyal na AI tool.
Matapos ang paglabas ng “edit image” button sa Grok, maraming user ang nag-upload ng mga larawan na pina-bikini o pina-tanggal ang damit, na nagdulot ng malawakang pang-aabuso sa internet. Ang digital na undressing ay nag-udyok ng agarang aksyon mula sa mga bansa tulad ng France, India, at Malaysia.
Ayon sa European Commission, ang Grok ay nag-aalok ng “spicy mode” na nagpapakita ng explicit sexual content, kabilang ang ilang output na may bata. Sinabi ng EU digital affairs spokesman na si Thomas Regnier: "Ito ay ilegal at nakakabahala. Wala itong lugar sa Europa." Kasabay nito, ang UK regulator na Ofcom ay kumontak sa X at xAI upang tiyakin ang legal na proteksyon sa mga user sa UK.
Nagpahayag naman ng pagkabahala si Malaysian lawyer Azira Aziz matapos gamitin ang AI para baguhin ang profile picture ng isang user sa bikini. Sinabi niya na playful use ng AI tulad ng paglalagay ng sunglasses sa public figures ay ayos lang, ngunit gender-based violence gamit ang AI laban sa kababaihan at bata ay dapat labanan.
Sa kabila ng kontrobersiya, tiniyak ng Grok na inaayos ang mga lapses sa kanilang tool at mahigpit na ipinagbabawal ang CSAM (Child Sexual Abuse Material). Samantala, umusbong ang panibagong imbestigasyon sa Paris at India laban sa Grok para sa sexualized content, habang ang Malaysia ay nagsimula ring mag-imbestiga sa indecent at offensive na materyal sa platform.




