
Ang Cebu City ay inaasahang tatanggap ng 4 hanggang 5 milyon bisita para sa Sinulog Festival sa Enero 18, kasabay ng ika-461 na pista ng Santo Niño de Cebu. Ayon kay Mayor Nestor Archival, tiniyak ng lokal na pamahalaan ang kaligtasan at katahimikan ng lungsod.
May nakatakdang 40 dancing contingents, kabilang ang tatlong guest performers, na magpapasaya sa mga dadalo. Magsisimula ang mga aktibidad sa Enero 8, kabilang ang Novena Masses, bago ang mismong pista sa Enero 18.
Mahigit 7,000 miyembro ng Philippine National Police, Philippine Army, at Bureau of Fire Protection ang ide-deploy para sa seguridad. Ipinakita rin ang bagong mobile command center at iba pang kagamitan para sa real-time na pagmamanman sa CCTV cameras sa Metro Cebu.
Inaasahan ding dumalo ang mga importanteng national figures, kabilang ang President, Vice President, at heads ng Congress at Senate, ayon kay Archival, bagaman wala pang kumpirmasyon.
Ayon kay Rev. Fr. Jules Almerez, media liaison ng Basilica Minore Del Santo Niño, ang tema ng pista ay pagkakaisa, at tiniyak na walang sinuman ang maiiwan sa selebrasyon.




