
Ang sunog ay sumiklab sa isang dalawang-palapag na bahay sa Serrano St, Fatima Townhomes, Bgy. Marulas, Valenzuela City, pasado hatinggabi nitong Miyerkules, January 7.
Agad itinaas sa unang alarma ang sunog ng 12:10 a.m., at idineklara itong fire out ng 1:18 a.m. matapos maapula ng 17 trak ng bumbero. Malaking tulong ang fire wall kaya hindi kumalat ang apoy.
Ayon sa Valenzuela BFP, may mga nakaimbak na aircon units sa loob ng bahay pero walang tao nang masunugan. Iniimbestigahan pa ang sanhi at halaga ng pinsala ng sunog.




