


China variants: Reno15 Pro Max, Reno15 Pro, at Reno15. Para sa global market, idinagdag ang Reno15 F, ang entry-level na variant ng serye.
Pinapagana ang Reno15 F ng Snapdragon 6 Gen 1, may hanggang 12GB LPDDR4X RAM at 512GB UFS 3.1 storage na expandable. Mayroon itong 6.57-inch 120Hz AMOLED display at 50MP selfie camera na may autofocus.
Sa likod, makikita ang 50MP main camera na may 2-axis OIS, 8MP ultrawide, at 2MP macro. Parehong kayang mag-record ng 4K video ang main at selfie camera.
Bagama’t kahawig ng Reno14 F, mas pinalakas ang Reno15 F gamit ang 7000mAh battery, aluminum frame, at mas mabilis na 80W wired charging. Dagdag pa rito ang upgraded na selfie camera at mas mataas na storage option.
Wala pang inanunsyong presyo at availability, ngunit inaasahang ilalabas ng OPPO ang Reno15 Series sa mas maraming bansa, kabilang ang Pilipinas, sa lalong madaling panahon.




