
Ang South Korean singer-songwriter na si Chen (Kim Jongdae) ay magbabalik sa Pilipinas para sa kanyang Arcadia Asia Tour 2026. Inanunsyo ito ng Three Angles Production noong Disyembre 16, 2025.
Gaganapin ang konsiyerto sa Pebrero 28, 2026 sa Maynila, habang ang detalye tungkol sa venue at ticketing ay iaanunsyo pa. Manatiling nakaabang para sa mga update.
Bukod sa Maynila, bibisita rin si Chen sa iba’t ibang bansa sa Asya: Taipei (Enero 3), Yokohama (Enero 25), Jakarta (Enero 31), Macao (Marso 8), at Kuala Lumpur (Marso 29).
Kasunod ito ng paglabas ng kanyang pinakabagong EP na Arcadia noong Setyembre 29, 2025, kung saan sinubukan niya ang mas energetic pop/rock na tunog mula sa kanyang karaniwang ballad style.
Sa kaugnay na balita, ginanap ang EXO’verse reunion fan meeting noong Disyembre 14, ngunit hindi nakasama sina Baekhyun, Chen, at Xiumin na ngayon ay nasa INB100, habang si Lay ay hindi rin nakadalo dahil sa “unavoidable circumstances.”
