
Ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nagsimula ng 2026 sa ilalim ng reenacted budget, matapos hindi mapasahan ng bagong General Appropriations Bill (GAB) noong Disyembre. Ayon sa Malacañang, hindi ito inaasahang makakaapekto sa operasyon ng gobyerno habang hinihintay ang pirma ng Pangulo.
Naantala ang pagpasa ng P6.793-trilyong pambansang badyet dahil sa banggaan ng pananaw sa DPWH budget at masusing pagsusuri bunsod ng mga alegasyon ng korapsyon sa mga flood control project. Nangako ang Executive Secretary Ralph Recto na pasado sa legal at technical requirements ang panukalang badyet.
Bagama’t may babala ang ilang eksperto sa epekto ng reenacted budget sa ekonomiya at serbisyo publiko, sinabi ng Malacañang na panandalian lamang ito at pipirmahan ang badyet sa unang linggo ng Enero. Huling nangyari ang reenacted budget noong 2019 sa panahon ni Rodrigo Duterte.
Samantala, iginiit ng DPWH ang paninindigan sa integridad, transparency, at pananagutan para sa 2026. Nangako ang Public Works Secretary Vince Dizon na alisin ang overpricing at maghatid ng de-kalidad na imprastraktura sa tamang presyo.
Mariing kinondena naman ng Makabayan bloc ang 2026 GAB, tinawag itong pork-laden at para sa political survival. Ayon sa kanila, umabot sa P73.2 bilyon ang LGU pork, kasama ang pagtaas ng Local Government Support Fund, Financial Assistance, at iba pang lump-sum funds na umano’y nagpapalakas ng patronage politics.