
Ang Lexus ay patuloy na nagpapakita ng malasakit sa quality, durability, at customer care sa paglabas ng bagong 5-Year Warranty Program sa Pilipinas. Pinapakita nito ang pangako ng brand na magbigay ng sasakyang maaasahan at pangmatagalan ang tibay.
Sakop ng programa ang lahat ng brand-new Lexus vehicles na binili mula sa Lexus Manila Gallery. Layunin ng bagong warranty na bigyan ang mga may-ari ng dagdag na tiwala at mas mahabang proteksyon para sa kanilang sasakyan.
Nagsisimula ang coverage sa araw ng pag-deliver ng unit. Pinagsasama nito ang 3-Year or 100,000 km Manufacturer Warranty at karagdagang 2-Year Service Rewards Warranty na may unlimited mileage.
Awtomatikong kasama ito sa lahat ng unit na nirelease simula October 13, 2025, at ia-apply din sa mga nabili mula September 1, 2025. Makakakuha ang customers ng dagdag na dalawang taon ng warranty basta’t makumpleto ang minimum na Periodic Maintenance Services (PMS)—isa bawat taon sa loob ng unang tatlong taon.
Ang customers na makakakumpleto ng hindi bababa sa tatlong PMS ay magiging kwalipikado sa 4th Year Full Coverage. Kapag nakamit ito, maaari pa silang makakuha ng isa pang taon para maging 5-Year Warranty, basta’t may isang PMS na nagawa sa ika-apat na taon ng pagmamay-ari.

