
Ang Riot Games ay umano’y gumagawa ng isang malaking remake ng LEAGUE OF LEGENDS na may pamagat na LEAGUE NEXT, at inaasahang ilalabas ito sa 2027. Layunin ng update na bigyan ng bagong buhay ang sikat na laro matapos ang halos dalawang dekada.
Ang LEAGUE NEXT ay hindi hiwalay na sequel kundi isang BUONG UPDATE na diretsong papasok sa kasalukuyang game client. Kasama rito ang mas maayos na CHARACTER MODELS, mas detalyadong ENVIRONMENTS, at mas malinaw na USER INTERFACE, pati na rin ang mas mabilis at mas maayos na BACK-END SYSTEMS.
Mula nang inilabas noong 2009, nanatiling isa sa pinakasikat na laro ang LEAGUE OF LEGENDS, na may higit 100 MILLION MONTHLY PLAYERS at malakas na presensya sa ESPORTS. Sa pamamagitan ng LEAGUE NEXT, nais ng Riot Games na masigurong magtatagal pa ang laro at manatiling relevant sa mga susunod na taon.




