
Ang viral selfie na kumalat online ni Cathy Cabral, dating DPWH Undersecretary, ay kinumpirma ni DILG Secretary Jonvic Remulla na galing sa cellphone ng kanyang driver. Ayon sa kanya, napatunayan na ang larawan ay tunay.
Sinabi ni Remulla na kuha ang larawan bandang alas-8 ng umaga, bago bumiyahe si Cabral at ang kanyang driver papuntang Baguio City at bago sila nag-check in sa hotel.
Pumanaw si Cabral noong Huwebes ng gabi matapos umanong mahulog sa malalim na bangin sa Kennon Road, Benguet. Ayon sa autopsy, namatay siya dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan. Itinuturing ngayon ang driver bilang person of interest, lalo na matapos siyang iwan sa isang liblib na lugar na walang cellphone at bag, ayon sa PNP.
Tags: Nation




