Ang UNIQLO at POP MART ay muling nagsama para palawakin ang Monsters Collection. Pagkatapos ng unang collab nila ngayong taon, mas pinalawak ang linya at hindi na lang T-shirts ang kasama.
Sa bagong release, tampok ang half-zip sweatshirts na may disenyo mula sa Kasing Lung, ang artist sa likod ng sikat na karakter na Labubu. Makikita rin ang mga salitang “We are the monsters” at “Monsterland”, na nagbibigay-buhay sa mundo ng Monsters. Mas simple ang design kaya mas madaling isuot araw-araw.
Ilalabas ang POP MART x UNIQLO collection sa December 26 at magiging available lang sa UNIQLO website. Para ito sa mga fans na gusto ng mas subtle pero cool na Monsters look.




