
Ang Korte Suprema ay nagpasya na ang mga BANGKO ay maituturing na SERVICE PROVIDER sa ilalim ng CYBERCRIME PREVENTION ACT, kaya puwedeng maglabas ng ilang ACCOUNT INFORMATION kapag may utos ng korte.
Sa desisyon na may petsang HULYO 29, tinanggihan ng SC ang hiling ng EASTWEST RURAL BANK na ipawalang-bisa ang utos na magbigay ng COMPUTER DATA kaugnay ng isang PHISHING CASE.
Nagsimula ang kaso nang mawalan ng P10,000 ang biktima matapos malinlang ng tumawag na nagpanggap na empleyado ng bangko. Nailipat ang pera sa isang EASTWEST ACCOUNT gamit ang nakuhang OTP at email access.
Iginiit ng bangko na bawal ilabas ang impormasyon dahil sa BANK SECRECY LAW, pero sinabi ng SC na hindi nito hinaharangan ang paglabas ng IDENTIFYING INFORMATION kung may COURT-ISSUED WARRANT.
Nilinaw ng SC na nananatiling protektado ang DEPOSITS at detalyadong galaw ng pera, pero pinapayagan ang limitadong pagbubunyag ng impormasyon para sa IMBESTIGASYON NG CYBERCRIME kapag kumpleto ang legal na proseso.




