
Ang MV Agusta Brutale Serie Oro ay bagong ilunsad sa EICMA 2025. Limitado lamang ito sa 300 units sa buong mundo, kaya eksklusibo talaga ang bisikletang ito.
Ang disenyo nito ay may streetfighter look na may luxury touch. May pulang Alcantara seat, sharp fairings, at bronze, silver, at black accents. Makikita rin ang carbon-fiber parts para sa ganda at bawas timbang.
Pinapagana ito ng 950cc three-cylinder engine na may 148hp at 107Nm torque. May slipper/torque-assisted clutch at ride-by-wire, kaya magaan at kontrolado ang takbo kahit sa mababang revs.

Ergonomic ang riding posture dahil sa bagong handlebar at footrest position. Mas malawak at mahaba ang seat para sa comfort. May Brembo brakes at adjustable Ohlins suspension para sa siguradong performance.
May five-inch TFT display, ride modes, quickshifter, at cornering ABS. Meron din itong matrix cornering lights para ligtas sa gabi kahit sa twisty roads. Kung makarating man sa Pilipinas, posibleng isa lang ang unit at nasa P4 milyon ang presyo.




