
Ang Tarsier Records ay nag-post tungkol sa bagong show ni Maki, at sinabi nila, “You asked, you waited, and we listened.” Matapos ang matagumpay na Kolorcoaster: The Concert, may isa pang espesyal na gabi para sa fans — One More Ride — na gaganapin sa February 21, 2026 sa Araneta Coliseum.
Matatandaang noong November 7, 2025, naghatid si Maki ng isang nakakaaliw at makulay na concert na nagpakita ng kanyang artistry at creative mind. Kasama niya sa entablado sina Yeng Constantino, Angela Ken, at BINI’s Maloi, na nagbigay ng mas buhay at saya sa malaking event.
Ayon pa sa Billboard Philippines, ang “Kolorcoaster: The Concert” ay hindi lang basta album showcase. Ito raw ay isang multi-sensory experience na talagang tumatak sa social media ilang araw matapos ang concert.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na detalye tungkol sa ticket prices at iba pang impormasyon para sa 2026 show. Abangan ang mga susunod na update para hindi ka mahuli sa One More Ride.




