
Ang Aprilia ay pumasok na sa midsize scooter segment matapos ilabas ang SR GT 400 sa EICMA 2025 sa Milan. Target ng modelong ito na maging maaasahan para sa city riding at maging sa adventure trips.
Ayon sa Aprilia, ang SR GT 400 ay gawa gamit ang kanilang racing expertise, kaya dinisenyo ito para sa riders na gusto ng style, performance, at kalayaan sa pang-araw-araw na biyahe. May sukat itong 2,165 x 855 x 1,535 mm at may 12-liter fuel tank.
Naka-equip ito ng 400cc single-cylinder engine na naka-CVT, kayang maglabas ng halos 36hp, kaya nagbibigay ng mabilis at magaan na response. May timbang na 186 kg, mas magaang ito kumpara sa iba sa kanyang klase. Meron din itong 16-inch front wheel, 14-inch rear wheel, upside-down front fork, at dual rear shocks. Para sa safety, meron itong floating front disc brakes, radial calipers, at two-level traction control.
Kasama sa features ang 5-inch TFT display, keyless system, ABS, five-level windscreen, plastic knuckle guards, at malaking underseat compartment na kasya ang isang full-face helmet.
Sa Pilipinas, SR GT 200 pa lamang ang binebenta, na nagsisimula sa ₱248,000. May 174cc i-Get engine, Start & Stop system, at maximum output na 17.3 hp at 16.5 Nm. Available ito sa Standard, Sport, at Replica variants.




