Ang bagong DLC character na Zenitsu Agatsuma (Infinity Castle) ay opisyal nang inanunsyo para sa Demon Slayer: Hinokami Chronicles 2. Isa ito sa mga pinakaabangang update ng mga tagahanga ng serye.
Kasunod ito ng paglabas ng kanyang dating nakatatanda na si Kaigaku, na dati ring nag-training sa iisang master ngunit kalauna’y naging Upper Rank Six Demon. Ang matinding laban nila sa Infinity Castle movie ay isa sa mga eksenang hindi malilimutan ng mga manonood.
Sa inilabas na trailer, makikita ang bagong Thunder Breathing form ni Zenitsu, na unang ipinakita sa pelikula. Dahil dito, mas naging excited ang mga players na subukan ang kanyang pinalakas na moves at animations.
Magiging available ang Zenitsu Agatsuma (Infinity Castle) DLC sa December 2. Puwede itong bilhin nang hiwalay sa halagang $5 USD, o bilang bahagi ng Infinity Castle Character Pass na nagkakahalaga ng $30 USD.




