
Ang bagong Huawei FreeBuds Pro 5 ay kayang mag-stream ng hanggang 4.6Mbps Lossless Audio, mas mataas kumpara sa FreeBuds Pro 4 na umaabot lang sa 2.3Mbps. Inilunsad ito kasabay ng mga bagong Mate devices tulad ng Mate 80 series, Mate X7, at MatePad Edge.
May dual drivers ang bagong TWS earbuds—isang dual-magnetic bass driver at micro-planar tweeter. Pinalakas din ito ng Kirin A3 audio chip na may NearLink E2.0, na siyang dahilan ng mas mataas na quality ng audio streaming.
Sinusuportahan ng FreeBuds Pro 5 ang iba't ibang audio codecs tulad ng AAC, SBC, LDAC, at L2HC. May in-ear stem design ito na may silicone eartips, habang ang case ay pill-shaped. Isa rin ito sa iilang TWS earbuds na may Bluetooth 6.0 na may multi-device connection, at may IP57 rating para sa earbuds at IP54 para sa case.
Tumatagal ang battery ng hanggang 5 hours na naka-on ang ANC, at 22 hours kasama ang case. Kapag naka-off ang ANC, umaabot ito sa 8 hours at hanggang 33 hours kasama ang case. May bagong kulay na Sky Blue na gumagamit ng vegan leather, na bihirang makita sa charging case ng earbuds.
Ibinibenta ang FreeBuds Pro 5 sa China sa CNY 1449 (humigit-kumulang Php 12,000). Inaasahang ilalabas ito ni Huawei sa global market sa lalong madaling panahon.






