
Ang Google Wallet at Google Pay ay opisyal nang available sa Pilipinas. Inilunsad ito ng Google kasama ang mga partner banks, fintechs, Visa, at Mastercard para gawing mas madali ang contactless payment gamit ang Android phones.
Sa bagong serbisyo, puwede nang maglagay ng cards ng mga participating banks sa Google Wallet at magbayad gamit ang Android phone o Wear OS devices sa mga lugar na tumatanggap ng contactless payments. Maaari ring gamitin ang cards online o in-app kung may Google Pay button.
Ayon sa Google, hindi e-wallet ang Google Wallet tulad ng GCash o Maya. Isa itong digital na lagayan para sa payment cards, loyalty cards, vouchers, at iba pa. Kapag nagtu-tap to pay ka, si Google Pay ang mismong nagpo-proseso ng bayad.
Puwede ring maglagay ng boarding passes mula sa airlines tulad ng Philippine Airlines at AirAsia. May alerts din para sa changes sa flight schedule. Maaari ring mag-store ng concert tickets, cinema tickets, digital car keys, loyalty cards, at vouchers.
Maraming bangko at serbisyo ang suportado tulad ng ChinaBank, EastWest, RCBC, GoTyme, Maya, UnionBank, GCash, Zed, pati transit payments sa MRT-3 at modern jeepneys sa Cebu at Mandaue. Online payments naman ay supported sa Shopee at iba pang merchants.
Launch na ito ay patunay sa commitment ng Google na palawakin ang digital payments at tulungan ang pag-unlad ng digital economy ng Pilipinas.




