
Ang Insta360 naglunsad ng bagong 360 camera na X4 Air na halos kasing ganda ng X5, pero mas mura. Ang X4 Air ang pinakamagaan nilang 8K camera, na may bigat na 165 grams lang.
May upgraded features ito kumpara sa original X4, kabilang ang dual 1/1.8-inch sensors at replaceable lenses. Katulad ng X5, may smart features din tulad ng Twist to Shoot, Gesture Control, at Voice Control para makapag-record nang hindi hinahawakan ang camera.
Mas mataas pa rin ang specs ng X5 dahil sa mas malaking 1/1.28-inch sensors na mas maganda sa low-light. Pero karamihan ng iba pang features ay meron din sa X4 Air.
Presyo ng X4 Air Standard Bundle ay ₱21,990, habang ang Starter Bundle na may selfie stick, lens cap, at extra battery ay ₱24,990. May libreng one-year subscription sa Insta360+ sa parehong bundles.
Inilunsad din ang Antigravity A1 drone na may kakayahang kumuha ng 360° aerial footage. Wala pang petsa ng availability sa tindahan, pero ipinakita ng demo video kung paano mababago ng 360 drone ang pagkuha ng action shots mula sa taas.




