
Ang BRABUS at KTM ay muling nagsanib-puwersa para sa BRABUS 1400 R Signature Edition, isang limitadong modelo na may 100 units lang sa buong mundo. Isa itong high-performance na hyper naked bike na siguradong patok sa mga mahilig sa bilis at luxury design.
Batay sa 2025 KTM 1390 Super Duke R EVO, ang 1400 R Signature Edition ay may 1,350cc LC8 V-Twin engine na nagbibigay ng 190 horsepower at 145 Nm torque. Mayroon itong underseat dual-pipe exhaust at 17-inch BRABUS Monoblock II EVO “Platinum Edition” wheels na nagbibigay ng mas agresibong itsura.
Sa disenyo naman, dala nito ang “Black and Bold” style ng BRABUS, gamit ang carbon fiber body parts, Midnight Veil paint, at custom LED headlight na may BRABUS Signature Stripes. Mayroon din itong carbon side spoilers, tank fairing, at belly pan para sa mas maayos na aerodynamics.
Para sa comfort at control, may BRABUS Masterpiece leather seat, Dinamica microfiber details, at WP APEX semi-active suspension. Nilagyan din ito ng Brembo HYPURE brakes at limang ride modes – Street, Sport, Rain, Performance, at Track – na makikita sa TFT display na may custom BRABUS graphics.
Ang BRABUS 1400 R Signature Edition ay pinaghalo ang eleganteng design ng BRABUS at matatag na engineering ng KTM. Ibinebenta ito sa halagang ₱2.83 milyon (hindi pa kasama ang buwis at duties sa Pilipinas).




