
Ang espesyal na BMW R18 Transcontinental na may pirma ni Pope Leo XIV ay matagumpay na naibenta sa isang auction sa halagang ₱8.9 milyon. Ang natatanging motorsiklo ay ibinahagi ng BMW bilang tulong sa mga proyekto para sa mga bata sa Madagascar.
Isinagawa ang auction noong Oktubre 18, 2025, kung saan maraming tagahanga ng motorsiklo ang naghangad makuha ang makasaysayang unit. Sa huli, naibenta ito sa napakalaking halaga bilang suporta sa mga charity projects sa nasabing bansa.
Ayon kay Markus Flasch, CEO ng BMW Motorrad, malaking karangalan para sa kanila ang makita na ang pirma ni Pope Leo XIV sa BMW R18 ay nakatulong sa magandang layunin. Ipinahayag din niya ang pasasalamat sa bagong may-ari na ngayon ay taglay ang isang one-of-a-kind na motorsiklo.
Ang ₱8.9 milyon na nalikom mula sa auction ay gagamitin upang pondohan ang mga proyekto na tutulong sa mga batang nangangailangan sa Madagascar. Isa itong halimbawa ng pagsasanib ng passion sa motorsiklo at malasakit sa kapwa.




