
Ang Conjuring Prequel Film ay kasalukuyang ginagawa matapos ang malaking tagumpay ng Last Rites, na unang inanunsyo bilang huling pelikula ng main series.
Ayon sa ulat, si Rodrigue Huart ang posibleng magdirek ng pelikula, habang sina Richard Naing at Ian Goldberg, na sumulat din ng ilang naunang pelikula sa serye, ang muling magsusulat ng script. Wala pang detalye kung babalik sina Vera Farmiga at Patrick Wilson bilang sina Ed at Lorraine Warren.
Hindi na nakagugulat ang balitang ito dahil ang Last Rites ay kumita ng humigit-kumulang ₱28 bilyon sa global box office, na siyang pinakamataas sa buong Conjuring franchise.
Kasabay ng bagong prequel, may ginagawa ring Conjuring series na ipapalabas sa HBO, kaya mukhang tuloy-tuloy pa rin ang pagkatakot ng mga fans.
Abangan ang karagdagang detalye sa paparating na Conjuring Prequel Film na siguradong magpapakaba sa mga manonood.
			
		    



