
Ang Materialists, isang romantic drama mula sa A24, ay mapapanood na sa HBO Max simula Nobyembre 7. Pagkatapos ng matagumpay nitong pagpapalabas sa mga sinehan, maaari na ngayong mapanood ng mga manonood sa bahay ang kwento ng pag-ibig na puno ng emosyon at pagpili.
Pinagbibidahan ito nina Dakota Johnson, Pedro Pascal, at Chris Evans. Si Johnson ay gumanap bilang Lucy, isang matchmaker mula New York na kailangang mamili sa pagitan ng dalawang lalaki—isang mayamang investor (Pascal) at ang dating kasintahan niyang si John (Evans) na hirap pa rin sa buhay. Habang sinusubukan niyang ayusin ang puso niya, napagtanto rin niyang kailangang malaman kung anong klase ng pag-ibig at partner ang gusto niya talaga.
Ang pelikula ay kumita ng humigit-kumulang ₱6.1 bilyon (katumbas ng $104 milyon USD) sa buong mundo at nagtala ng ₱700 milyon (around $12 milyon USD) sa unang weekend nito. Dahil sa tagumpay na ito, muling nabuhay ang interes ng mga manonood sa mga modernong love stories.
Kasama rin sa cast sina Zoë Winters, Marin Ireland, Louisa Jacobson, at Eddie Cahill, na nagbigay kulay at lalim sa pelikula. Sa direksyon ni Celine Song, ipinapakita ng Materialists kung gaano kahirap pumili sa pagitan ng pag-ibig at katatagan sa buhay.




