
Ang mundo ng rock ay nagluluksa sa pagpanaw ni Ace Frehley, original lead guitarist at co-founder ng legendary bandang KISS, sa edad na 74. Kilala siya bilang “Spaceman” dahil sa kanyang galactic makeup at pyrotechnic guitar solos. Pumanaw siya noong Oktubre 16 sa New Jersey, kasama ang kanyang pamilya.
Si Frehley ay mahalagang bahagi ng tagumpay ng KISS noong dekada ’70. Ang kanyang kakaibang estilo ay narinig sa mga sikat na kanta tulad ng “Rock and Roll All Nite” at “Detroit Rock City.” Siya rin ang nagpasikat ng mga gitara na may usok at rocket effects na naging tatak ng KISS concerts.
Ang pagpanaw niya ay matapos magdanas ng brain bleed dahil sa pagbagsak, na naging sanhi ng mabilis na paghina ng kanyang kalusugan at pagkansela ng tour dates sa 2025.
Nagbigay pahayag ang kanyang dating kasamahan na sina Paul Stanley at Gene Simmons, na nagsabing si Ace ay isang irreplaceable rock soldier at mananatiling malaking bahagi ng KISS legacy. Siya ang unang miyembro ng original na apat na pumanaw, iniwan ang inspirasyon para sa maraming gitarista sa buong mundo.




