
Ang apat na taong gulang na si Li Jingwei ay na-kidnap mula sa kanilang village sa China. Lumaki siyang walang alam tungkol sa kanyang tunay na pamilya, maliban sa ilang alaala ng bamboo grove, maliit na pond, at eskuwelahan malapit sa kanilang bahay.
Pagkalipas ng 33 taon, gumuhit si Li ng mapa mula sa kanyang alaala at ipinost ito sa Douyin, ang bersyon ng TikTok sa China. Naging viral ang video, at maraming netizens at awtoridad ang tumulong sa kanya. Sa tulong ng teknolohiya, natukoy nila ang village sa Yunnan province, mahigit ₱90,000 ang layo mula sa tinitirhan ni Li sa kasalukuyan.
Sa imbestigasyon, napatunayan na si Li ay biktima ng child trafficking noong 1989. Nakilala niya kalaunan ang isang babae na nawalan ng anak. Nang tanungin ni Li kung may pilat siya sa baba, agad itong nakumpirma. Ang DNA test ang nagpapatunay na mag-ina nga sila.
Nagkaroon sila ng emotional reunion matapos ang tatlong dekada. Sa kanilang unang video call, napaiyak silang pareho. Sabi ni Li, “Thirty-three years of waiting at sa wakas, natagpuan ko ang aking tunay na ina.”
Nagpasalamat si Li sa mga volunteers at netizens na tumulong sa kanyang paghahanap. Bumalik siya sa kanilang village upang dalawin ang puntod ng kanyang ama, at pinasalamatan din ang pamilyang nagpalaki sa kanya dahil sa kanilang kabutihan at pagmamahal.




