
Ang Portuguese superstar na si Cristiano Ronaldo ay opisyal nang naging unang soccer player na bilyonaryo. Ayon sa ulat, umabot na sa tinatayang ₱79 bilyon (USD $1.4B) ang kanyang kabuuang yaman.
Malaking bahagi ng kayamanan ni Ronaldo ay mula sa kanyang sweldo na higit ₱31 bilyon (USD $550M) habang naglalaro sa iba’t ibang club. Mas lalo pa itong lumobo matapos ang kanyang bagong kontrata na ₱22 bilyon (USD $400M) sa loob ng dalawang taon kasama ang Saudi Pro League club Al-Nassr.
Bukod sa kita sa paglalaro, napakalaki rin ng kanyang kita sa labas ng field. Mayroon siyang lifetime deal sa Nike, malalaking endorsement, at sariling negosyo na CR7 brand na may hotels, gyms, at fashion line.
Dahil dito, nakasama siya sa piling grupo ng mga atleta na bilyonaryo at pinatunayan na ang kanyang pangalan ay hindi lamang sa football field, kundi pati sa negosyo at global brand. Sa kanyang higit 600 milyong followers, mas lalong tumitibay ang kanyang impluwensya sa sports at business.