
Ang bagong Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ay nangakong isasampa sa Sandiganbayan ang mga kaso kaugnay ng flood control corruption. Pagkatapos ng kanyang panunumpa, sinabi ni Remulla na nais niya ng tuloy-tuloy na paglilitis upang maiwasan ang mga delaying tactics.
Ayon kay Remulla, sapat na ang mga ebidensiya na hawak ng kanyang opisina at sisikapin nilang maging buo at matibay ito bago magsampa ng kaso. Aniya, hindi mahalaga kung mataas o mababa ang posisyon—kahit senador ay pwedeng managot kung malinaw ang ebidensiya.
Tinanong kung sakali mang may kamag-anak ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr. na madamay, malinaw ang sagot ni Remulla: “Wala tayong choice, kung iyon ang ebidensiya, hindi natin pwedeng itanggi.”
Kasabay nito, sinabi rin ni Remulla na rerepasuhin muli ang mga kaso tungkol sa Pharmally corruption, kabilang ang posibleng pananagutan ng mga dating opisyal tulad ni Francisco Duque.
Idinagdag din ng bagong Ombudsman na pag-aaralan nilang baguhin ang patakaran sa paglabas ng SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth). May plano silang ilabas ito ngunit tatanggalin ang sensitibong detalye para sumunod sa data privacy law. Layunin nito na matulungan ang imbestigasyon sa m