Ang klase sa lahat ng antas sa De La Salle University (DLSU) sa Maynila ay pansamantalang sinuspinde kahapon matapos makatanggap ng bomb threat.
Ayon sa University Student Government, nakatanggap sila ng email noong Martes ng gabi na nagbababala sa mga estudyante ng DLSU na huwag pumasok kinabukasan.
Matapos magsagawa ng pagsusuri ang Manila Police District, walang natagpuang bomba sa loob ng campus.
Ipinahayag ng pamunuan ng DLSU na magbabalik ang face-to-face classes at on-site work ngayong araw ngunit may mas mahigpit na seguridad.
Nanawagan si Mayor Isko Moreno sa pamunuan ng DLSU na imbestigahan ang insidente, dahil posible umanong ito ay isang prank lamang.