
Ang operasyon ng NBI sa isang resort sa Pansol, Calamba, Laguna noong Setyembre 28 ay nagresulta sa pagkakaaresto ng 24 katao dahil sa umano’y pagdadala at paggamit ng party drugs.
Labing-tatlo sa mga nahuli ang nahuling gumagamit ng iligal na droga at nagpositibo sa isinagawang drug test. Ayon sa imbestigasyon, kabilang sa mga nakumpiskang droga ang ketamine, cocaine, at ecstasy na ginagamit umano sa isang rave party.
Batay sa impormasyon ng NBI, tumatagal ng hanggang tatlong araw ang naturang party sa mga resort sa Pansol.
Sasampahan ang mga suspek ng kaso sa ilalim ng Section 13 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. Kabilang sa mga naaresto ang dalawang Yemeni nationals na dati na ring nahuli ng mga awtoridad.




