Ang sunog ay tumama sa Shanata Condominium sa Barangay Talipapa, Quezon City noong Setyembre 22, 2025, bandang 4:56 a.m. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), agad itong umabot sa ikatlong alarma.
Ayon sa imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa isang kuwarto sa ika-8 palapag ng gusali. Walang naitalang namatay pero 13 katao ang nasugatan, karamihan ay dahil sa paglanghap ng usok. Pinakabata sa mga biktima ay 29 taong gulang habang pinakamatanda ay 78 taong gulang.
Ang sunog ay naapula pasado 6:28 a.m. matapos rumesponde ang 15 firetrucks at ilang ambulansya.
Kasulukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga arson investigators upang malaman ang sanhi ng sunog.