Ang komedyante at TV host na si Vice Ganda ay nagbigay ng matinding hamon kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa gitna ng Trillion Peso March sa EDSA.
Sinabi ni Vice: “Gusto mong may legasiya ang pangalan mo? Ipakulong mo lahat ng magnanakaw.” Dagdag pa niya, “Nakatingin kami sa’yo, Pangulong Marcos — hindi dahil idol ka namin, kundi dahil binabayaran ka namin at inaasahan namin na gawin mo ang tungkulin mo bilang empleyado namin.”
Kasama ni Vice sa EDSA rally sina Anne Curtis, Iza Calzado, Donny Pangilinan, Darren Espanto, at Jasmine Curtis-Smith. Layon ng pagtitipon na ipanawagan ang pagtigil ng korapsyon sa bansa.
Katuwang din nito ang iba pang kilos-protesta gaya ng “Baha sa Luneta” at mga rally sa Cebu, Iloilo, at Baguio.
Ginunita rin ng mga rally ang 53rd anibersaryo ng Martial Law na ipinahayag noong Setyembre 21, 1972 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.