
Ang pangalan ko si Lee, 31 (M). Noong 2014, naging Born Again ako at doon ako nag-focus sa simbahan. Kahit may side job ako sa computer shop, never akong napabayaan sa pagdalo ng gawain. Sa panahong iyon, nakilala ko siya sa social media. Napansin ko kasi na halos lahat ng posts ko ay hinahart niya.
Doon nagsimula ang connection namin hanggang naging kami. Dalawang taon kaming LDR, at halos dalawang taon na rin kaming magkasama sa iisang bahay. Akala ko siya na talaga, pero habang tumatagal, mas nararamdaman ko na may mali.
Madaming beses ko siyang nahuli sa cheating. May mga pagkakataon na kapag tinatanong ko siya, ang palusot niya ay “Di naman ako nagcha-chat doon, nahihiya lang ako pag di mag-reply.” o kaya “Di ko sinabi sayo, baka magalit ka.” Minsan pa, “Kahit nag-I love you siya, di naman ako nag-reply.” Pero bakit paulit-ulit? Para sa kanya, nakakasakal daw ako. Lagi niyang sinasabi na “friendship lang yun.”
Umabot sa point na talagang hindi ko na kinaya kaya na-check ko ang account niya. Doon ko nakita na may mga pinapadala sa kanya ang ex niya nung high school. At ang pinakamasakit? Isang 7ft stuffed toy bear na siya mismo ang humiling. Pero hindi ko maibigay kasi ang kaya ko lang noon ay 2ft bear. Hindi dahil ayaw ko, kundi dahil may problema kami sa pera.
Hindi ko rin malimutan na may ₱12,000 utang siya dahil sa pang-gagarantiya sa ibang tao. Kahit ayaw ko, ginawa pa rin niya. Dahil doon, pati ako ay nadamay at nabaon sa utang. Tiniis ko lahat iyon kasi mahal ko siya. Pero habang tumatagal, ramdam ko na mas inuuna niya ang material things kesa sa relasyon namin.
Sa huli, nagdesisyon akong makipaghiwalay. Hindi na dahil sa galit, kundi dahil sobra na yung sakit at pagod. Pero ang totoo, mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Kahit iniwan ko siya, may parte pa rin sa puso ko na umaasang baka magbago siya.
Kaya ngayon, gusto ko lang itanong: Mali ba na pinili kong umalis, kahit mahal ko pa siya?