Ang mga staff ng isang motel sa Recto Avenue, Maynila ay binidyo habang binubugbog ang isang rioter sa gitna ng kaguluhan noong Setyembre 21.
Sa kumalat na video, makikita ang isang SWAT officer na hinihila ang lalaki papunta sa motel staff. Pagdating doon, sabay-sabay nilang sinuntok at sinipa ang rioter. Maririnig pa itong nakiusap ng, “tama na, tama na po.”
Ayon sa pulisya, dinala ang lalaki para sa identification, hindi para bugbugin. Ngunit hindi napigilan ng galit na staff ang kanilang emosyon.
Naugnay ang insidente matapos pasukin ng mga rioter ang motel, kung saan ninakaw umano ang vault at mga gamit ng mga empleyado.
Sa kabuuan ng kaguluhan, umabot sa 216 katao ang naaresto, kabilang ang ilang minor de edad.