
Ang asawa ko ang first at only love ko. Maaga akong nag-asawa, 19 pa lang ako noon at ngayon 24F married na sa 26M. Anim na taon na kaming kasal at may isang anak. Sa loob ng relasyon namin, wala talagang cheating issue. Lagi kong chine-check phone niya at wala akong nakita. Pero nitong July hanggang August, bigla siyang nag-iba.
Hindi siya pumapasok sa trabaho, laging balisa, at halos hindi makatulog. Noong dumating ang araw ng sahod, pumasok siya pero kinabukasan, umayaw na naman. Umiiyak siya, nagmamakaawa na mag-resign. Sabi niya, “diri ako sa sarili ko, natatakot na ako.” Doon na siya umamin.
Nalaman ko na sa resort na pinasukan niya, may event sila. Nalasing sila ng manager, na hindi lang kakilala kundi kaibigan ko at ate-atehan ko pa dati. Pag-uwi, siya ang nagpumilit na maghatid sa babae. Habang nasa daan, bumili pa ulit ng alak yung babae. Doon nagsimula ang lahat.
Sabi ng asawa ko, hinila siya ng babae, hinalikan at pinilit sa loob ng tricycle. Dahil sobrang lasing, nagkaroon sila ng kiskisan. Pero hindi nagtagal dahil hindi tumayo si jr niya. Wala talagang nangyari hanggang dulo. Ang masakit, habang nangyayari yun, ako raw ang nasa isip niya. Pero nang marinig niya na handa yung babae na maging kabit, doon siya natauhan. Pinaharurot niya ang tricycle, umuwi agad at dalang-dala ang kasalanan niya.
Umamin siya kasi guilty na guilty at ayaw na niyang makita pa yung babae. Hindi raw siya tinantanan, laging nanunukso, laging lumalapit. Takot na siya na baka umabot sa gulo.
Hindi ko kinaya. Chinat ko ang babae. Ang kapal ng mukha niya, matapang pa at nagbanta. Sabi niya, wag daw ipagsabi kasi baka map4tay siya ng pamilya niya. Sinabi pa niya na baka baliktarin ang kwento at palabasing nirap3 siya ng asawa ko. Tinakot pa niya na ipapapatay ang asawa ko kung magsumbong kami.
Pero hindi ako nagpatalo. Nag-ipon ako ng screenshots bilang ebidensya, pati mga pagbabanta niya. Kinausap ko ang management at doon ko siya napalayas. Saka ko lang nalaman na gawain na pala niya yun – inaakit ang mga lalaking kainuman. May mga nakahuli na rin daw dati na may ginagawa siyang milagro sa buhanginan o ilalim ng mesa kahit may ibang jowa. Kaya pala naghiwalay sila ng dati niyang asawa.
Ngayon, halos araw-araw bumabawi ang asawa ko. Lagi siyang nagvi-video call kahit nasa trabaho, lagi akong ni-reremind na mahal niya ako. Nakikita ko ang pagsisisi niya. Sabi niya, kung mauulit pa, siya mismo ang tatapos ng lahat.
Pinili kong patawarin siya, hindi dahil martir ako, kundi dahil nakita ko ang guilt at takot niya na mawala kami. Sa relihiyon namin, hindi basta-basta ang divorce. Kung may chance na ayusin ang kasal, gagawin ko para sa anak namin.
Ang Desisyon Ko
Alam kong maraming magsasabing tanga o martir ako, pero ako ang nakakaalam sa asawa ko. Hindi ko siya ipagpapalit sa isang babae na sanay mang-akit ng lasing. Kasal namin ito, pamilya namin ito.
Masakit, oo. Lagi kong pinaaalala sa kanya ang ginawa niya. At iyon ang consequence niya habang buhay – ang bigat ng kasalanan niya at ang hirap na dinulot sa akin. Pero kung ang Diyos marunong magpatawad, ako rin kaya ko.
Pinili kong lumaban para sa pamilya, hindi para sa babae.