Ang eyewear brand na A. SOCIETY ay nakipag-collab sa NEW ERA para sa isang streetwear drop na pinaghalo ang utility at fashion. Tampok dito ang magnetic visor cap, SCOTTY, CHARLIE, MOSS sunglasses, at ilang accessories na swak sa modernong street style.
Pinakabida sa koleksyon ang Magnetic Visor Cap, isang reworked 9FIFTY cap na may magnetic brim kung saan puwedeng idikit ang sunglasses. Kasama rin ang SCOTTY rectangular sunglasses at ang aviator-inspired na CHARLIE at MOSS na available sa brown, navy, at green. Lahat ay gawa sa magaan na titanium frame at may clip-on sun lenses.
May kasama rin na sterling steel magnetic necklaces at isang versatile bandana para sa dagdag street-ready style. Upang mas maging makulay ang launch, nakipagtulungan ang A. SOCIETY sa ilang lokal na creatives para magdala ng musika at visual art sa proyekto.
Limitado lang din ang 20 VIP Box Sets na ginawa para sa mga cultural influencers. Para sa fans, may Style Challenge sa Instagram kung saan puwedeng manalo ng isa sa mga ito.
Ilalabas ang koleksyon sa Setyembre 12, 2025 online at sa flagship store sa Hong Kong. Presyo ng sunglasses ay nasa ₱12,000 hanggang ₱15,000, habang ang cap at accessories ay naglalaro sa ₱3,500 hanggang ₱7,000.