Ang mga tagahanga ni Ryan Bang at Paola Huyong ay nagulat nang mapansin na inalis ni Paola ang lahat ng post tungkol sa TV host sa kanyang Instagram. Kasama na rito ang kanilang engagement post noong Agosto 2024.
Noong Setyembre 6, napansin ito ng mga netizens at agad nagdulot ng usap-usapan na baka nagkaroon ng hiwalayan ang dalawa. Ngunit may ilan ding naniniwala na baka may simpleng misunderstanding lang sila.
Si Paola ang humahawak ng kanilang mga negosyo tulad ng restaurant at coffee shop na nasa isang building sa Quezon City. Ang renta umano sa lugar ay nasa ₱150,000 kada buwan, na kanila ring pinaunlad para gawing commercial space.
Bukod sa restaurant at coffee shop, may bar din doon at ilang opisina na inuupahan. Dahil dito, maraming nagtatanong: Kung tuluyan silang maghiwalay, paano na lang ang kanilang mga negosyo?
Sa ngayon, nananatiling palaisipan ang tunay na sitwasyon ng magkasintahan. Umaasa ang kanilang fans na maaayos pa ito at matutuloy pa rin ang inaabangang kasal.