
Ang amo kong lalaki ay talagang nagulat ako dahil dalawang beses siyang nag-share ng s3xu4l na karanasan niya sa akin. Ako ay helper, 19 years old pa lang, at isang linggo pa lang ako sa bahay nila nang magsimula ang ganitong sitwasyon.
One time, bigla siyang nag-open tungkol sa nararamdaman niya sa asawa niya. Sabi niya, ilang buwan na raw silang walang siping, mga anim na buwan na. Gusto raw niya magka-anak pero lumalayo raw ang asawa niya, kaya wala silang intimacy. Napatulala ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko siya pwedeng bastusin kasi amo ko rin siya, at to be fair, maayos naman ang trato niya sa akin. Pero first time ko makarinig ng ganitong usapan mula sa isang lalaking hindi ko naman kaano-ano. Sobrang awkward talaga.
Hindi doon natapos. Sa pangalawang pagkakataon, muli na naman siyang nag-open. Nagkukuwento lang ako tungkol sa pinsan ko na may problema rin sa relasyon, tapos bigla na naman siyang nagtanong tungkol sa s3xu4l na bagay. Sabi pa niya, “sana all,” “buti pa siya,” at “masakit na ang puso ko.” Doon ako kinabahan at agad kong sinabi na papasok na ako sa kwarto para matulog. Simula noon, lagi na akong nag-iingat kapag nararamdaman kong papunta sa ganoong usapan. Gumagawa ako ng dahilan o umiiba ng topic para hindi na lumalim ang kwentuhan.
Masaya naman siya kapag kausap, mabait din sa akin, pero kapag bumabalik siya sa mga problema nila mag-asawa, doon na pumapasok ang usapan na hindi ko komportable. Nahihirapan ako kasi bilang helper, wala akong magawa kundi makinig, pero sa loob-loob ko naiilang talaga ako.
Hanggang sa matapos ang ilang buwan ko sa kanila, dala ko pa rin ang tanong na ito: Normal lang ba na ang isang lalaki ay mag-open ng ganitong klaseng bagay sa isang babaeng hindi niya kaano-ano? O talagang mali na sinasabi niya iyon sa akin bilang mas bata at bilang empleyado niya?