Ang pagkamatay ng isang 20-anyos na babae ay iniimbestigahan matapos siyang matagpuang patay sa loob ng bus na may 26 iPhone na nakadikit sa kanyang katawan.
Ayon sa ulat, ang babae ay naglalakbay mula Foz do Iguaçu papuntang São Paulo, Brazil nang makaranas siya ng hirap sa paghinga, bumagsak, at kalauna’y bawian ng buhay.
Sinubukan siyang iligtas ng mga medical responder nang mahigit isang oras, ngunit idineklarang patay dahil sa cardiac arrest. Sa pagsusuri, nakita ang 26 iPhone na nakadikit sa kanyang balat at ilang bote ng alak sa kanyang bagahe.
Pinaniniwalaang layon ng babae na ipuslit ang mga iPhone na tinatayang nagkakahalaga ng ₱1.3 milyon (₱50,000 bawat isa). Kinuha na ng mga awtoridad ang mga gadget para sa imbestigasyon.
Kasalukuyan pang hinihintay ang forensic report para malaman ang totoong dahilan ng kanyang hirap sa paghinga at pagkamatay.