Ang Department of Transportation (DOTr) ay magbabalik ng Love Bus, isang sikat na programa noong martial law era, para magbigay ng libreng sakay. Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, sisimulan ito sa Cebu City at Davao City bago matapos ang 2025, alinsunod sa utos ni Pangulong Marcos.
Dizon ipinakita ang disenyo ng bagong bus na hango sa asul na kulay ng orihinal na bersyon at may iconic na puso sa gitna. Layunin ng DOTr na makatakbo na ang mga bus sa kalsada ngayong taon at unti-unting gawing nationwide program.
Sa kanyang SONA, inihayag ni Pangulong Marcos ang pagbabalik ng Love Bus upang magbigay ng libreng sakay. Unang isasagawa ito sa Cebu at Davao, kung saan kasalukuyang may libreng sakay program sa piling ruta.
Ayon sa isang pag-aaral noong 2021, inilunsad ang Love Bus noong 1970s ng Metropolitan Manila Transit Corp. (MMTC) bilang unang air-conditioned bus sa Metro Manila. Naging simbolo ito ng public transport noong late 70s hanggang early 80s bago ito humina dahil sa mabilis na fleet expansion at pagtaas ng operating costs.