Ang Korean star na si Cha Eun Woo ay nagpakalbo bilang paghahanda sa kanyang military enlistment. Nagsimula siya ngayong Hulyo 28, 2025 bilang miyembro ng South Korean military band.
Ibinahagi ni Eun Woo ang kanyang bagong buzz cut look sa Instagram kahapon, Hulyo 27. Kasama sa mga larawan ang bonding moments niya kasama ang mga ASTRO members at ang mismong paggunting ng kanyang buhok.
Bago ang kanyang enlistment, naging aktibo si Cha Eun Woo sa pagbabahagi ng music at activities para manatiling updated ang kanyang fans. Nag-post siya ng cover song na “Free” mula sa KPop Demon Hunters OST kasama si Arden Cho.
Bukod dito, nakatakda ring ilabas ang kanyang solo album ngayong Setyembre. Makikita rin siya sa mga paparating na proyekto gaya ng “The Wonderfuls” kasama si Park Eun-bin at ang pelikulang “First Ride” kasama si Kang Ha-neul.