
Ang sikat na mang-aawit na si Dionela ay nakatakdang magdaos ng solo concert sa Manila ngayong Nobyembre 21, 2025. Ito ay bahagi ng kanyang ‘The Grace’ world tour na unang naganap sa United States, Canada, Australia, at Dubai mula Hunyo hanggang Setyembre ngayong taon.
Gaganapin ang concert sa New Frontier Theater, Quezon City. Ang presyo ng tickets ay mula PHP 990 hanggang PHP 5,860. May kasamang exclusive merchandise ang VIP tickets, habang ang SVIP tickets ay may dagdag na post-show hangout kasama si Dionela.
Magsisimula ang ticket selling sa Hulyo 30, 2025 sa pamamagitan ng TicketNet.
Bukod dito, kamakailan ay nakipag-collab si Dionela kay Loonie para sa kantang “Ikigai,” na inilabas noong Mayo 20, 2025. Ito ang sumunod na single matapos ang kanyang hit song na “Marilag,” na nanguna sa Billboard Philippines noong Nobyembre 8, 2024.