
Ang panloloob sa isang restaurant sa Urdaneta City, Pangasinan ay nahuli sa CCTV noong Sabado ng umaga. Sa video, makikita ang isang suspek na naka-asul na damit at may sombrero na nagmamasid sa paligid.
Pagkalipas ng ilang minuto, umakyat ang suspek sa bakod at pumasok sa kwarto ng mga staff ng restaurant. Doon, tinangay niya ang mga gamit ng mga empleyado. Ayon sa waiter at pamangkin ng may-ari, hindi naka-lock ang pintuan ng kwarto at tulog ang kanilang driver nang mangyari ang insidente.
Nakuha ng suspek ang apat na cellphone, higit P30,000 cash, isang backpack, at apat na bote ng mamahaling alak. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy at maaresto ang suspek.