
Ang Department of Health (DOH) ay namigay ng libreng HIV testing, check-up, at iba pang serbisyo sa event na “Love Loud Love Safe: Pride Run 2025” nitong Linggo.
Ayon sa DOH, nagbigay sila ng free HIV tests, libreng condoms, lubricants, pre-exposure prophylaxis (PrEP), HIV self-testing kits, at impormasyon tungkol sa HIV/AIDS at Undetectable = Untransmittable (U=U).
Libre ring makukuha ang mga serbisyong ito sa iba’t ibang testing hubs sa bansa mula 3 a.m. hanggang 9 a.m.
Samantala, nanawagan ang DOH kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ideklara ang HIV bilang national public health emergency dahil sa mabilis na pagdami ng bagong kaso.
Layunin ng hakbang na ito na mapalakas ang kamalayan at maagapan ang pagkalat ng HIV sa mga Pilipino.