
Ang Air India Flight 171 ay bumagsak sa residential area sa Ahmedabad, India noong Hunyo 12, 2025.
Ang biyahe ay patungong London at may sakay na 242 pasahero at crew. Sa kabuuan, higit 265 ang nasawi, kabilang ang mga tao sa lupa. Isang bahagi ng eroplano ang bumagsak sa building ng mga doktor at estudyante. Isang bahagi rin ang tumama sa canteen kung saan may mga kumakain.
Ayon sa kanyang kapatid, wala raw ideya si Vishwash Kumar Ramesh, 40 anyos, kung paano siya nakalabas ng eroplano. Dinala siya agad sa ospital at ngayon ay nagpapagaling. Nakumpirma rin ng mga opisyal ang kanyang pagkakakilanlan.
Ayon sa isang doktor, 15 hanggang 20 sunog na katawan ang nakita niya sa paligid. May ilang estudyante rin ang nailigtas nila. Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga biktima gamit ang sniffer dogs at tulong mula sa mga bumbero.
Ayon kay Prime Minister Narendra Modi, ito ay isang “nakakabagbag-damdaming trahedya.” Nagbigay rin ng tulong pinansyal ang Tata Group ng halagang ₱10 milyon para sa bawat pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.
Sinabi ng Civil Aviation Authority na ang eroplano ay nagpadala ng mayday call bago ito bumagsak. Ayon sa isang eksperto, maaaring naging sanhi ng double engine failure ang insidente, posibleng dahil sa bird strike.