
Ang Paper Rex ay nalalagay sa bingit ng eliminasyon sa VALORANT Masters Toronto matapos matalo sa Gen.G, kapwa galing sa VCT Pacific, sa iskor na 2-0 sa Swiss stage.
Sa unang mapa na Ascent, mabilis na nakakuha ng kontrol ang Gen.G sa pamamagitan ng 7 sunod-sunod na panalo sa simula. Bagamat nakabawi ang PRX at nagtapos ng kalahating 4-8, hindi ito naging sapat para makuha ang laban. Nakapaghabol sila sa second half, ngunit nanatiling matatag ang Tiger Nation at nakuha ang panalo sa 13-11.

Pagdating sa Icebox, hirap ang W Gaming squad na makabalik. Sa first half pa lang ay lumamang na ang Gen.G sa 3-9, at sa second half, hindi na nakakuha ng kahit isang round ang PRX. Tinapos ito ng Gen.G sa 13-3.

Kahit natalo, may isa pang pagkakataon ang PRX na makapasok sa playoffs sa laban nila sa June 11 (June 12, oras ng Maynila). Kailangan nilang manalo para manatili sa torneo.
Susunod na laban na ang magiging sukatan ng tibay ng PRX. Abangan kung makakabawi sila at madala muli ang kanilang agresibong laro sa harap ng global stage.